Binasbasan ng isang pari mula sa Catholic Church ang itinatayong bagong gusali ng San Jose District Hospital sa San Jose, Romblon nitong Lunes.
Dinaluhan ang programa ng mga empleyado ng ospital, ng Department of Health – MIMAROPA, Provincial Engineering Office, Contractor ng Ospital, at ni Romblon Governor Eduardo Firmalo.
Ayon sa pamunuan ng ospital, nagkakahalaga ng halos P25-million ang bagong building na inaasahang maglalaman ng sampung kwarto para sa mga pasyente na dadalhin dito mula sa bayan.
Malaking tulong umano ang bagong gusaling ito ng ospital dahil makakatulong ito para maiangat mula sa pagiging infermary status hanggang maging Level 1 hospital ang ospital sa Carabao Island.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Firmalo, sinabi nito na ang itinatayong gusali ay proyekto ng Provincial Government sa tulong rin ng Department of Health.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si SP-elect Bing Solis, at si San Jose Mayor Ronnie Samson.