Isang Lolo ang natagpuang walang buhay ng mga residente ng Barangay Busay sa San Jose, Romblon nitong umaga ng Miyerkules.
Ayon kay Police Captain Ledilyn Y. Ambonan, spokeperson ng Romblon Police Provincial Office, bandang 9:20 kanina ng mag report sa San Jose Municipal Police Station ang dalawang concerned citizen na di umano ay may nakitang walang buhay na Lolo sa kanilang lugar.
Kinilala ang lalaki na si Gilbert Fernandez Saminado, 61, residente rin ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, huli umano nakita ang matanda ng ito ay bumili ng Gin sa isang tindahan. Sinabi rin sa report na inubos umano nito ang inumin ng walang kasama.
Dinala na sa San Jose District Hospital ang katawan ni Saminado para alamin ang posibleng dahilan ng pagkamatay at para rin malaman kung may foul play sa pagkamatay nito.