Opisyal ng pinasinayaan ng Local Government Unit ng Corcuera nitong Miyerkules ng hapon ang bagong atraksyon sa maliit na isla ng Simara, ang Panorama Viewing Deck.
Sa maikling mensahe ni Corcuera Mayor Rachel Bañares, sinabi nito na ang nasabing viewing deck ay alay niya sa mga residente at mga turistang tutungo sa isla ng Simara.
Tinawag itong panorama dahil mula sa nasabing viewing deck tanaw mo ang karagatang sakop ng Tablas straight, at ang Tablas Island, Romblon.
Ayon sa mga sumaksi sa inagurasyon, patok na pasyalan ang nasabing viewing deck tuwing takipsilim dahil maganda mo ritong mapapanood ang paglubog ng araw.
May mini-coffee shop rin ritong binuksan kung saan pwedeng bumili ng pagkain ang mga turista habang nakatambay sa viewing deck.
Sa ngayon, walang entrance fee ang pagpasok sa Panorama Viewing Deck.