Tiklo sa Oriental Mindoro ang ititunuturing na number one most wanted person ng bayan ng Calatrava, Romblon nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang naaresto na si Pepito Magbago Reyes, 57-anyos, residente ng So. Salingsing, Brgy. Pangulo.
Ayon kay Police Captain Ledilyn Ambonan, spokesperson ng Romblon Police Provincial Office, naaresto si Reyes ng pwersa ng Calatrava Municipal Police Station sa So. Daet, Brgy. Anilao, Bongabong, Oriental Mindoro sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong nakaraang buwan.
Nahaharap sa 3 counts of rape ang suspek.
Nakakulong na ngayong ang suspek at inaasahng dadalhin sa Romblon para iharap sa korte.
Walang piyansa ang kaso ng suspek.