Isang pampasaherong pumpboat ang lumubog matapos mabutas habang naglalayag galing Carabao Island patungong Santa Fe, Romblon nitong umaga ng Lunes, February 18.
Ayon sa isa sa mga pasahero ng MBCA Hambil na nakausap ng Romblon News Network, kaalis lang nila ng San Jose Port patungo sana ng bayan ng Santa Fe, nang bayuhin sila ng malalakas na alon dahilan upang mabutas ang pumpboat na kanilang sinasakyan.
Mabuti umano at hindi pa sila nakakalayo masyado sa San Jose Port nang mabutas ang bangka kaya agad silang nakahingi ng saklolo.
Ligtas na ngayon ang mga sakay ng pumpboat.