Pinailawan na ang makulay na Giant Christmas Tree ng bayan ng Corcuera, Romblon sa sentro ng bayan nitong gabi ng Huwebes, November 29.
Gawa sa iba’t ibang christmas decor ang nasabing Christmas Tree at pinuno rin ng nagpapalit-palit na kulay na christmas lights.
Sinabayan ang pagpapailaw ng bonggang display na kinaaliwan rin ng mga residente ng isla ng Simara na dumalo sa lighting ceremony.
Pati ang Tiga Cross, isang steelwood cross na ginawa pa noong panahon ng mga Espanyol, nilagyan rin ng pailaw ng Local Government Unit.
Hindi rin nawala ang pagpapakuha ng litrato sa mga naggagandahang mga kubol na nilagyan ng iba’t ibang christmas display ng munisipyo para maging isang Christmas Village.