Sugatan ang isang lalaking tumatambay lang sa labas ng isang tindahan sa Sitio Proper, Barangay Lanas, San Jose, Romblon nitong gabi ng Sabado, July 29.
Kinilala ang biktima na si Abel Mutia, 28-anyos, habang ang suspek naman ay kinilalang si Daniel Domingo Crispin, 63-anyos.
Sa imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station, nakatambay si Mutia sa labas ng Dionisio Store ng bigla itong linapitan ng suspek at walang malay na sinaksak sa likod ang biktima.
Agad namang nakatakbo ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga dumaraang motorsiklo sa lugar kaya agad siyang nadala sa San Jose District Hospital.
Tumakas naman ang suspek na si Crispin na patuloy na patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station.
Inihahanda na ang kasong frustrated murder laban sa suspek.