Patay ang isang lalaki matapos barilin ng dalawang lalaki bandang alas-7:20 ng umaga kanina sa Barangay Busay sa bayan ng San Jose, Romblon.
Kinilala ang nasawi na si Themistocles Sulat, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa San Jose Municipal Police Station, nasa kanyang manukan si Sulat at nag-aasikaso ito ng kanyang mga alagang manok ng barilin, narinig umano ng kanyang mga anak na si Leovie Sulat Dela Rosa ang mga putok ng baril. Nakita nalang umano ng kanyang anak na nakabulagta na ang kanyang ama.
Nakita rin umano ng kanyang na papatakas ang dalawang suspek dala ang isang baril.
Kinilala ang mga suspek na sina Bonny Maslog at si Richie Malicse, Brgy. Kagawad ng nasabing barangay.
Ayon sa pulisya, matagal ng may-alitan ang suspek na si Malicse at si Sulat dahil umano sa lupa na ibinebenta ni Malicse.
Patuloy namang pinaghahanap ng San Jose Municipal Police Station ang dalawang suspek na maaring maharap sa kasong murder.