Isang babae ang natagpuang nakabitin at nakatali ang leeg sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Tabunan, Barangay San Roque, Corcuera, Romblon nitong gabi ng Linggo.
Kinilala ang nagpatiwakal na si Emilda Fajutnao, 52-anyos, isang mangingisda.
Ayon sa Corcuera Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa Barangay Captain ng Barangay San Roque na di umanoy may babaeng nagpatiwakal sa kanyang barangay.
Sa pagresponde ng pulisya sa lugar, nakita na nilang nasa sahig na ang katawan ni Fajutnao at na rekober nila sa pinangyarihan ang isang nylon rope at isang suicide note para sa kanyang anak.
Kinumpirma naman ng kanyang anak na isang menor de edad na ang penmanship na nakasulat sa suicide note ay galing sa kanyang ina. Sinabi rin nito na ang kanyang ina ay may sakit sa pag-iisip.
Nakaburol na ang labi ni Fajutnao at tumanggi na rin ang kanyang pamilya na ipa-medicolegal ang katawan nito.