Patay na ng matagpuan ng mga rescuers ang isang lalaki sa gitna ng dagat na bahagi ng San Jose, Romblon at Boracay, Aklan nitong nakaraang Sabado.
Kinilala ng pamilya ang biktima na si Sabino Villaresis Casimero Jr., 41-anyos, at residente ng San Jose, Romblon.
Pabalik na sana ng Carabao Island ang biktima nitong Huwebes galing sa Boracay ng mahulog sa sinasakyang bangka at tinangay ng malakas na alon.
Sinabi ng pamilya ni Casimero na hindi umano ito marunong lumangoy kaya hindi ito nakaligtas sa pagkakalunod.
Nailibing na sa Carabao Island si Casimero nitong Huwebes.