Patay ang isa sa tatlong sakay ng motorsiklo matapos na maaksidente sa Barangay Labnig, Corcuera, Romblon nitong gabi ng Lunes.
Sa imbestigasyon ng Corcuera Municipal Police Station, binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Jerome Fajutag Fermalan, 23, ang kahabaan ng Barangay Road sa Barangay Labing ng bigla umano itong humarurot ng patakbo hanggang sa mawalan ng kontrol sa saksakyan at maaksidente.
Isinugod agad sa Malipayon District Hospital ang mga sakay ni Fermalan na sina Bong Fallarcuna, 21 at isang 16-anyos na lalaki, ngunit idineklara umanong Dead On Arrival si Fallarcuna matapos magtamo ng head injuries.
Samantala, nagtamo lamang ang driver ng kaunting sugat sa kanyang chin at agad na inaresto ng pulisya.
Napag-alaman rin ng pulisya na nakainum diumano ang tatlong sakay ng motorsiklo ng ito ay maaksidente.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries si Fermalan.