Patay ang isang Romblomanong nagtatrabaho bilang welder sa New Washington sa Aklan matapos makuryente at mahulog sa ginagawng bubong sa Barangay Dumaguit.
Kinilala ang nasawi na si Marcos Gosela, 48-anyos at tubong San Jose, Romblon.
Batay sa mga ulat sa Aklan, nakuryente at nahulog pa umano sa bubong ang biktima nang sumabit sa dropline ng kuryente ang bakal na kanyang wi-weldingin.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima matapos magtamo ng paso at bali sa katawan ngunit binawian rin ito ng buhay.
Sinisikap pa ng mga ospital sa New Washington na makontak ang pamilya ni Gosela sa San Jose para ipaalam ang sinapit nito.