Binuksan na kahapon, January 31, sa SB Session Hall ng Corcuera ang Hanrumanan Exhibit 2018.
Ito ay bahagi ng 87th Foundation Day Celebration at Panranumag Festival ng bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon.
Ang Hanrumanan ay salitang ASI na ibig sabihin ay ang “Pagrumrom sa mga rana ag gamit it nakarayan” o Ang pag-alala sa mga alala at gamit ng nakaraan.
Pinangunahan ang opening ceremony ng nasabing exhibit nina Mayor Rachel Bañares at Vice Mayor Elmer Fruelda.
Bukas ang exhibit mula January 31 hanggang February 03 para sa lahat ng taga-Simara at mga bibisita sa lugar ngayong Fiesta.