Patay ang isang Principal sa bayan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon matapos itong makuryente sa kanyang bahay pasado alas-4 ngayong hapon.
Kinilala ang biktima na si Dave Ruga, Principal ng Corcuera National High School.
ADVERTISEMENT
Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, umakyat sa bubong si Ruga para mag-install ng tubo na gagamitin sana sa paglagay ng antenna ng kanyang Wifi ngunit sumabit umano ito sa wire ng kuryente.
Sinubukan pang isugod sa Maghali District Hospital ang biktima ngunit idineklara itong Dead on Arrival.