Dumating na sa Odiongan ang bagong biling Toyota Hilux na gagamitin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Odiongan sa mga operasyon nila lalo na kung sakaling may bagyo o kalamidad.
Sa flag raising ceremony nitong Lunes, nagkaroon ng blessing ng nasabing sasakyan na pinanguhan ni Mayor Trina Firmalo-Fabic.
Ayon sa panayam ng Romblon News Network kay Mayor Fabic, ang nasabing sasakyan umano ay binili ng Local Government ng Odiongan galing sa Trust Fund ng Disaster Risk Reduction and Management.
Sa Facebook post naman ni Mayor Fabic, sinabi nitong bibili rin ang Local Government ng Odiongan ng Elf Truck na may Boom na magagamit naman sa pag bubuhat ng mga mabibigat na bagay katulad ng puno o mga debris.
Bago rin matapos umano ang June, makakabili na rin umano ang Local Government ng Odiongan ng dumptruck na magagamit para sa mas epektibong pangungulekta ng basura sa town proper.