Inaresto sa Boracay, Aklan ang isang lalakeng wanted sa kasong paglabag sa election gun ban noong 2004 election sa lalawigan ng Romblon.
Kinilala ng Boracay Police ang suspek na si Alvin Roque, 38-taong gulang, residente ng Sta. Fe, Tablas Island, Romblon.
Si Roque ay may kasong paglabag sa COMELEC Omnibus Election Gun Ban. Inaresto ito sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ni Executive Judge Hon. Vedasto B. Marco ng 4th Judicial Region Branch 82 sa Odiongan Romblon noong April 2005.
Halos 12 na taon umano nagtago ang suspek ayon sa Boracay Police.
{googleads right}
Tinatayang aabot sa P60,000 ang inirerekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang pagkakalaya.