Naaresto kahapon, March 09, ng kapulisan ng Santa Fe Municipal Police Station at San Jose (Batangas) Municipal Police Station ang isang lalake na wanted sa Santa Fe, Romblon dahil sa kasong murder.
Naaresto ang suspek na kinilalang si Gener Teologo sa kanyang tinutuluyan umanong bahay sa Brgy. Sabang, San Jose, Batangas.
{googleads left}
Ayon kay Police Senior Inspector Rey Manito ng Santa Fe MPS, nakatanggap umano sila ng tip na maraming namataang wanted person sa Batangas City kaya nagsagawa sila ng intel operation para hanapin si Teologo sa lugar.
Agad naman umano siyang nakipag ugnayan sa San Jose MPS para mas mapabilis ang kanilang operasyon.
Si Teologo ay may kasong murder sa Regional Trial Court Branch 82 at may warrant of arrest na inilabas noong July 2011.
Nakatakdang ibyahe ang suspek pauwi ng Santa Fe sa mga susunod na araw para iharap sa korte.