Pinaghahanap na ng awtoridad ang dating alkalde ng bayan ng Looc, Romblon na si Ex-Mayor Manuel Arboleda at ang kasama nitong dating Municipal Planning and Development coordinator na si Fermina Gaytano.
Ito ay matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan para sa dalawa.
Sa desisyon ng Sandiganbayan Second Divison, sina Ex-Mayor Manuel Arboleda at Fermina Gaytano ay guilty sa pag-falsify ng report kaugnay sa maanumalyang inspection at delivery ng mga biik noong 1991.
ADVERTISEMENT