Bibida sa 2016 Metro Manila Film Festival movie ang Romblomanong si Sasha Tajaran kasama sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith, at iba pang stars.
Ang nasabing movie na may title na ‘Across the Crescent Moon’ ay may tema tungkol sa love, religion, at family.
Si Sasha ay tubong Calatrava, Romblon at nanalo bilang Fourth Runner-up noong 2014 Miss Tourism Philippines. Nag aral siya sa International Academy of Film and Television sa Cebu City matapos na manalo kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career.
Sa panayam ng Romblon News Network kay Sasha, nagpasalamat ito sa kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi nagsasawa sa pagsusupota sa kanya.
Bibida rin si Sasha sa pelikula ni Cesar Montano na ‘Sultan Kudarat’ na maaring ipalabas rin ngayong taon.