Naranasan ang halos pabugso-bugsong malakas na pag-uulan sa buong lalawigan ng Romblon ngayong araw.
Sa bayan ng Ferrol, pabugso-bugso ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin.
Pareho rin ang nararanasan ng bayan ng Alcantara.
Sa report ni Romblon News Correspondent Gigi Rosel, kagabi pa walang ilaw ang Barangay Madalag at ilang bahagi ng Barangay Poblacion maaring dahil sa malalakas na hangin.
Sa bayan naman ng Santa Maria, kasalukuyang walang kuryente at nakakaranas rin ng malakas na hangin.
Halos dalawang oras naman walang kuryente kagabi ang isla ng Sibuyan Island matapos maputol ang ilang linya ng kuryente ng Romblon Electric Cooperative (ROMELCO) sa bayan ng San Fernando.