by Che-Che Factor, Romblon News | Wednesday, 06 July 2016
Magkasunod-sunod na sumuko sa mga tauhan ng Barangay at ng Calatrava Municipal Police Station ang walong di umano ay tulak ng iligal na droga sa bayan ng Calatrava, Tablas Island, Romblon nitong Lunes at Martes.
Kabilang sa mga sumuko ay ang No. 2 at No.3 drug personality ng bayan.
Nangako sa harap ng isang PAO lawyer ang mga sumuko na magbabago na at titigilan na ang paggamit at pagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot.
Ilan sa mga sumuko ay sinabi na natatakot sila kay Pangulong Duterte kaya sila sumuko.
Ang mga sumuko ay tutulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office para sa kanilang rehabilitasyon.