by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 15 July 2016
Kontrolado na umano ang outbreak ng sakit na chikungunya sa bayan ng Santa Fe ayon kay Provincial Health Office Dra. Ederlina Aguirre.
Ayon kay Dra. Aguirre, umabot ng 17 cases ang naitala sa bayan ng Santa Fe nitong July 08 hanggang 12 at pinakamarami rito sa ay sa Barangay ng Poblacion.
Ang sakit na chikungunya ay naipapasa sa iba sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ng United States Department of Health, wala pang gamot o vaccine ang naturang sakit na may pagkakahawig sa sakit na zika at dengue.
Ilang sintomas nito ay lagnat, joint pains, joint swelling at rushes.
Hindi naman umano nakakamatay ang sakit na chikungunya.