by Bebito Gado, Romblon News | Saturday, 11 June 2016
Ginunita ng mga residente ng bayan ng Ferrol ang ikatlong taon ng kanilang Koron Festival ngayong araw, June 11.
Ang nasabing festival ay pagpupugay para sa mga mangangawa ng Coron o Koyon (sa salitang asi) sa lugar.
Bilang pag-gunita, nagkaroon ang bayan ng isang civic parade na dinaluhan ng mga bakasyunista, at bisita galing sa ibang bayan.
Tuwang-tuwa naman ang ilang bisita sa nasaksihang street dance competition at ground demonstation na sinalihan ng 7 grupo o tribu.
Itinanghal na champion ang Agnocnoc Tribe, na sinundan naman ng Tribu de Bunsor at El Talento Unido.