Ipinagkaloob ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) MIMAROPA ang 500 ready-to-lay (RTL) na manok at mga kinakailangang production input sa Hambilanon Women’s Association sa Poblacion, San Jose, Romblon, sa ilalim ng proyektong nagkakahalaga ng ₱1,126,870.60.
Ayon sa DA-SAAD MIMAROPA, layon ng Chicken Egg Production Project na mabigyan ang asosasyon ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng produksyon ng itlog.
Ang proyekto ay kasunod ng mga hamong naranasan ng grupo sa nauna nilang proyektong pag-aalaga ng kambing.
Sa pamumuno ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Bañas, na siya ring SAAD MIMAROPA focal person, patuloy na nagpapatupad ang DA MIMAROPA ng mga programang pangkabuhayan para sa mga samahan sa kanayunan, kabilang ang mga grupong binubuo ng kababaihan.


























