Nagsagawa ng Annual Fire and Earthquake Drill ang mga empleyado ng Isiah Hospital and Medical Center katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) Odiongan noong October 3, 2026.
Layunin ng aktibidad na masiguro ang kaligtasan at kahandaan ng mga empleyado at pasyente ng ospital sakaling magkaroon ng sunog, lindol at iba pang emergency.
Sa pamamagitan ng drill, nabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na mapalawak ang kanilang kaalaman at maisagawa ang mga kinakailangang hakbang at pamamaraan sa panahon ng sakuna at emergency.


























