Nasunog ang isang residential house sa Brgy. Ilijan, Corcuera, Romblon noong umaga ng Abril 26, ayon sa ulat ng pulisya.
Batay sa imbestigasyon ng Corcuera Municipal Police Station, ang bahay ay pagmamay-ari ng isang 47-anyos na driver at kanyang asawa na isang 45-anyos na maybahay, kapwa residente ng nasabing barangay.
Lumabas sa paunang ulat na bandang alas-11:20 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa MDRRMO na nag-uulat ng sunog sa bahay ng Ilagan family.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Corcuera, na pinangunahan ni FO1 Mary Anne M. Madrona, Fire Arson Investigator, nagsimula umano ang sunog sa kusina batay sa salaysay ng isang saksi. Gayunman, hindi pa matukoy ang eksaktong sanhi nito.
Idineklara namang “fire out” ang insidente dakong alas-11:36 ng umaga sa parehong araw.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala. Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.



































Discussion about this post