• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Wednesday, November 11, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Thu
28 ° Fri
28 ° Sat
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Cajidiocan LGU, nagsagawa ng price monitoring sa mga gasolinahan kasunod price rollback

    110 bagong pisa na pawikan sa Romblon, pinakawalan sa dagat

    Mga pamilyang mangingisda sa Ferrol at Santa Fe, tumanggap ng ayuda bilang paghahanda sa El Niño

    15 negosyante sa San Andres, sinanay kung paano mapapaunlad ang negosyo

    DOE, hinimok ang publiko na ireport ang gasolinahang hindi sumusunod sa oil price rollback

    Anim na sakay ng lumubog na bangka sa Romblon, nailigtas ng mga mangingisda

    150 college students mula Corcuera, tumanggap ng tig-₱2,000 ayuda mula sa DSWD

    Magsasaka at mangingisda sa Calatrava, sumailalim sa pagsasanay para sa climate change at El Niño

    Mga ahensya ng gobyerno, nagpulong para paghandaan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Thu
28 ° Fri
28 ° Sat
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News Local News Tablas Island Alcantara

12.7 ektaryang sakahan sa Alcantara, makikinabang sa ₱10-M irrigation project ng NIA

Paul Jaysent FosRyan Christian SeraspiSusie EleuteriobyPaul Jaysent Fos,Ryan Christian Seraspiand1 others
November 9, 2026
in Alcantara
Reading Time: 8 mins read
15
0
12.7 ektaryang sakahan sa Alcantara, makikinabang sa ₱10-M irrigation project ng NIA
Share on FacebookShare on Twitter

Inaasahang mapapataas ang produksyon ng palay sa 12.7 ektaryang sakahan sa mga barangay ng Tugdan at San Roque sa Alcantara, Romblon kasunod ng rehabilitasyon ng kanilang communal irrigation system na pinondohan ng National Irrigation Administration (NIA).

Pormal na itinurn-over ng NIA Romblon noong Nobyembre 9 ang rehabilitated Tugdan Communal Irrigation System sa Tugdan Irrigators Service Association Inc., na binubuo ng 20 magsasaka mula sa dalawang barangay.

Matagal nang itinuring na non-functional ng NIA ang naturang sistema. Gayunman, sa pakikipagtulungan ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng San Roque at ng asosasyon, naaprubahan ang kahilingang kumpunihin at muling paganahin ang pasilidad.

Naglaan ang NIA ng ₱10 milyon para sa rehabilitasyon, kabilang ang pagtatayo ng mga bagong canal lining at iba pang estrukturang magdadala ng tubig mula sa Bahag River sa Barangay San Roque patungo sa mga sakahan.

Ayon kay Engr. Ma. Viola Aiko Matibag, officer-in-charge ng NIA Romblon, dati ay umaasa lamang sa ulan ang mga magsasaka para matubigan ang kanilang mga palayan. Sa pamamagitan ng proyekto, magkakaroon na ng irigasyon ang mga sakahan at inaasahang tataas nang 35 porsiyento ang kanilang ani.

Ibinahagi ni Matibag na mula sa dating 90 kaban ng palay na naaani ng isang magsasaka, umabot na ito sa 120 kaban matapos magkaroon ng suplay ng tubig mula sa irrigation system.

Inaasahan ding makatutulong ang proyekto sa paghahanda ng mga magsasaka sa posibleng epekto ng El Niño dahil hindi na lamang sila aasa sa pag-ulan upang magkaroon ng tubig ang kanilang mga palayan.

Nagpasalamat naman si Jesus Eranes, presidente ng Tugdan Irrigators Service Association Inc., sa NIA at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagkakaroon muli ng maaasahang sistema ng patubig sa kanilang lugar.

Ayon kay Eranes, malaking tulong ito sa mga kasapi ng asosasyon dahil dati ay hindi sapat ang tubig na nakararating sa kanilang mga sakahan.

Nangako rin si Barangay San Roque Chairperson Arnel Mazo na makikipagtulungan ang barangay sa mga magsasaka upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng irrigation system at matiyak ang patuloy na pakinabang nito sa komunidad.

Related Posts

Bongan-Bongan Falls sa Alcantara, pansamantalang isasara sa publiko simula Nobyembre 10

November 10, 2026
Kabataan sa Alcantara, lumahok sa seminar tungkol sa karapatan at kapakanan ng mga bata

Kabataan sa Alcantara, lumahok sa seminar tungkol sa karapatan at kapakanan ng mga bata

November 9, 2026
Leave Comment

Popular Stories

  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    485 shares
    Share 194 Tweet 121
  • Anim na sakay ng lumubog na bangka sa Romblon, nailigtas ng mga mangingisda

    78 shares
    Share 31 Tweet 20
  • Tatlong pamilya sa Sibale, tumanggap ng bagong tahanan mula sa LGU

    86 shares
    Share 34 Tweet 22
  • DOE, hinimok ang publiko na ireport ang gasolinahang hindi sumusunod sa oil price rollback

    48 shares
    Share 19 Tweet 12
  • Mga pamilyang mangingisda sa Ferrol at Santa Fe, tumanggap ng ayuda bilang paghahanda sa El Niño

    42 shares
    Share 17 Tweet 11
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

PCG Romblon, pinaigting ang inspeksiyon sa fire safety ng mga pampasaherong barko

Kabataan sa Alcantara, lumahok sa seminar tungkol sa karapatan at kapakanan ng mga bata

55 sachet ng pinaghihinalaang shabu, nasabat sa buy-bust ops sa San Fernando

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up