Narekober ng mga awtoridad ang 29 piraso ng lumber at pitong piraso ng round logs na may kabuuang tinatayang halaga na ₱58,975 sa Sitio Talaba, Barangay Taclobo, San Fernando, Romblon noong September 23, 2026.
Isinagawa ang recovery operation matapos i-report ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagkakatuklas sa mga abandonadong forest products sa lugar.
Agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station (MPS), Romblon Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Philippine Coast Guard para sa verification at recovery ng mga naturang forest products.
Kabilang sa mga narekober ang 29 piraso ng Dipterocarpus grandiflorus o Apitong lumber na may kabuuang volume na 967.5 board feet at tinatayang halaga na ₱48,375.
Narekober din ang pitong piraso ng Xanthostemon verdugonianus o Tiga round logs na may kabuuang volume na 212 board feet at tinatayang halaga na ₱10,600.
Itinurn-over ang mga nakuhang forest products sa DENR Sub-Office sa Barangay Tampayan, Magdiwang, Romblon para sa kustodiya at safekeeping.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng DENR upang matukoy ang mga responsable sa umano’y illegal na pagputol at pag-abandona ng mga forest products.
Pinuri ni Romblon Police Provincial Office Provincial Director PCOL Rexton F. Sawi ang mabilis na koordinasyon ng mga ahensyang sangkot sa recovery operation at binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa yamang kagubatan.
Hinikayat din ng Romblon PPO ang publiko na agad ireport sa mga kinauukulang awtoridad ang mga insidente ng illegal logging at iba pang paglabag sa mga batas pangkalikasan.



































Discussion about this post