Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) Romblon ang patuloy na suporta nito sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bayan ng San Andres sa pamamagitan ng mga serbisyo at programang makatutulong sa pagsisimula at pagpapalago ng kanilang negosyo.
Ayon kay Christine Juliano, Business Counselor ng DTI Negosyo Center San Andres, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga negosyanteng nangangailangan ng gabay at impormasyon kaugnay ng pagpapatakbo at pagpapalago ng kanilang negosyo.
Ibinahagi ni Juliano ang mga serbisyo ng DTI sa isinagawang PIA Romblon Information Caravan sa Barangay Mabini, kung saan inilapit ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga programa at serbisyo sa mga residente.
Kabilang sa mga maaaring i-avail ng mga MSMEs ang business counseling, tulong kaugnay ng pagpaparehistro ng negosyo, mga pagsasanay at seminar, gayundin ang iba pang programang naglalayong mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga negosyante.
Hinikayat din ni Juliano ang mga residente na lumapit sa Negosyo Center San Andres upang malaman ang mga available na programa at serbisyo ng DTI na maaaring makatulong sa kanilang mga negosyo o sa mga nagnanais magsimula ng sariling kabuhayan.



































Discussion about this post