Nakararanas ng pagbaha ang ilang mabababang bahagi ng Poblacion, Ferrol dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mabilis na tumaas ang tubig sa ilang pangunahing kalsada at mga residential area sa Poblacion bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Bilang pag-iingat, nakaantabay ang mga opisyal ng barangay, Barangay Disaster Risk Reduction and Management Team (BDRRMT), at mga rescue personnel upang agad na tumugon sakaling lumala pa ang sitwasyon.
Inihanda na rin ng lokal na pamahalaan ang mga evacuation center para sa posibleng paglikas ng mga residenteng maaapektuhan kung magpapatuloy ang pagtaas ng tubig-baha.
Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang lagay ng panahon at antas ng tubig, habang pinapayuhan ang mga residente sa mga mabababang lugar na maging alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.



































Discussion about this post