Nagpahayag ng pakikiramay si Senator Lito Lapid sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Tino, partikular na sa Cebu at iba pang rehiyong matinding tinamaan ng malakas na bagyo.
Ayon kay Lapid, hindi biro ang pinagdaraanan ngayon ng mga Cebuano dahil bukod sa hagupit ng Tino, kagagaling pa ang lalawigan sa matinding lindol kamakailan.
“Dobleng dagok ang tumama sa kanila,” ayon sa Senador.
Sinabi ng senador na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa iba’t ibang lokal na pamahalaan upang matukoy kung paano sila makakatulong sa mga apektadong residente.
Tiniyak niyang handa siyang tumulong sa anumang paraan upang makatulong sa mabilis na pagbangon ng mga komunidad na nasalanta.



































