Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng mga nagaganap na krimen sa bansa.
Mula noong Enero 1 hanggang Oktubre 9, 2025, naitala ang kabuuang 27,306 na focus crimes. Ito ay mas mababa ng 14 porsyento kumpara sa nakaraang taon, 2024.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, noong 2024 ay mayroong 31,878 na focus crimes. Ang mga focus crimes ay kinabibilangan ng canaping, pagnakaw ng motorsiklo, robbery, rape, theft, murder, homicide, at physical injury.
Sa datos, ang kaso ng rape ay bumaba ng 22 porsyento, habang ang kaso ng robbery naman ay bumaba ng 17.35 porsyento.
Wala ring naitala ang PNP na mga insidente ng looting sa panahon ng nagdaang lindol sa Cebu at Davao Oriental.



































