Naaresto ng pulisya ang isang 27-anyos na lalaki sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Sitio Torrel Looban, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon nitong Linggo ng gabi, Setyembre 7.
Kinilala ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek na residente ng Barangay Rizal, Odiongan.
Ayon report ng Romblon Police Provincial Office, nabili umano mula sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng marijuana sa halagang ₱500 na ginamit bilang marked money.
Sa karagdagang inspeksyon, nasamsam pa ang iba pang bag na may lamang hinihinalang marijuana at perang ginamit sa transaksyon.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



































