Nagpasalamat si Lisa Dalisay, residente ng Barangay Libertad, Odiongan, Romblon, sa Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos makumpleto ang flood control project na umano’y naglayo sa kanilang lugar mula sa baha.
Sa isang video na inilabas ng DPWH Romblon, ibinahagi ni Dalisay na kahit tatlong bagyo ang sunod-sunod na tumama sa bansa nitong Hulyo, hindi na tumaas ang tubig sa kanilang barangay.
Ayon sa DPWH Romblon, natapos na nila ang 581 linear meters na flood control structure sa nasabing lugar bilang bahagi ng kanilang pangako na magtayo ng mga climate-resilient communities.



































