Nakatakdang tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na nag-ugat sa diumano'y sadyang paninira sa kaniyang reputasyon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makipag-usap si Santiago sa Pangulo matapos nitong isumite ang kanyang pagbibitiw.
Siniguro ni Castro na hindi makakaapekto ang pagbibitiw ni Santiago sa mga kasong hawak ng NBI, partikular ang imbestigasyon tungkol sa nawawalang sabungero. Anito, marami pang indibidwal na may kredibilidad at mapagkakatiwalaan ang ahensya pagdating sa pagresolba ng mga kasong ganito.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye ang Malakanyang kung sino ang posibleng pumalit kay Santiago bilang pinuno ng NBI.
































