Patuloy ang isinasagawang konstruksyon ng gobyerno sa itinatayong Government Commercial Center, na magiging bagong munisipyo ng bayan ng Odiongan, Romblon. Matatagpuan ito sa Barangay Dapawan at nakatakdang maging isa sa mga modernong pasilidad ng lokal na pamahalaan.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Odiongan Municipal Planning and Development Office, umabot na sa 73.33% ang pisikal na progreso ng Phase II ng proyekto.
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, maliban sa pagiging bagong tahanan ng lokal na pamahalaan, ang Government Commercial Center ay magsisilbing one-stop-shop complex kung saan maaaring makapagproseso ng iba’t ibang dokumento at serbisyo ng gobyerno.
Bukod sa mga opisina ng lokal na pamahalaan, magkakaroon din ng mga tanggapan para sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI), at Commission on Elections (COMELEC) upang gawing mas mabilis at mas accessible ang mga serbisyo para sa publiko.
Discussion about this post