Tiklo ang isang 26 anyos na lalaki sa Sitio Highway, Barangay Progreso Este, Odiongan, Romblon matapos itong mabilhan di umano ng ipinagbabawal na shabu nitong umaga ng Martes.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Cyrus Fabiculana, 26, residente ng Barangay Liwanag.
Sa ulat ng pulisya, nabilhan di umano nila ng pinaghihinalaang shabu ang suspek sa halagang P1,000. Nang magkapalitan, dito na nila hinuli ang suspek.
Maliban sa nabiling pinagbabawal na droga, nakuhaan din umano ang suspek ng dalawa pang sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu. Nakuhaan din umano ang suspek ng isang sachet na pinaghihinalaang may lamang pinatayong dahon ng marijuana.
Dinala na sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office ang suspek maging ang mga sachet na di umano ay nakuha sa suspek.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Walang pahayag ang suspek.
Discussion about this post