Aabot sa 24 na gramo ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang bahay sa Barangay I, Romblon, Romblon hapon ng Linggo matapos ang ikinasang search warrant operation sa lugar.
Sa police report mula sa Romblon Police Provincial Office, bandang ala-una ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang Romblon Municipal Police Station at Romblon Provincial Police Drug Enforcement Unit kontra sa mga suspek.
Ayon kay Major Gemie Mallen ng Romblon Municipal Police Station, aabot na sa halos P200,000 ang street value ng mga nasabat na shabu.
Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 81.