Arestado ang isang 42-anyos na construction worker sa Looc, Romblon matapos mahuli sa isang anti-illegal drug buy-bust operation alas-6 ng gabi ng Lunes, April 7.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang operasyon sa suspek na kinilalang si Jovert Fajilagot ay isinagawa ng pinagsamang puwersa ng Romblon Provincial Police Drug Enforcement Unit at Looc Municipal Police Station.
Batay sa imbestigasyon, nakabili umano ang isang operatibang nagpanggap na buyer ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek sa halagang P2,000. Agad siyang inaresto matapos ang transaksyon.
Kasalukuyang nakakulong si Fajilagot sa Looc Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.
Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.