Pormal nang binuksan ang bagong community store na proyekto ng Upper Matutuna Pantawid Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) sa tulong ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD MIMAROPA noong Enero 17, sa Barangay Matutuna, San Andres, Romblon.
Ang nasabing proyekto, na nagkakahalaga ng mahigit ₱600,000, ay naglalayong magbigay ng maayos at matatag na pangkabuhayan para sa 30 miyembro ng SLPA. Layunin nitong mapabuti ang kabuhayan ng mga residente sa nasabing barangay.
Pinangunahan ang inagurasyon ng mga lokal na opisyal na sina Municipal Mayor Arsenio G. Gadon, Municipal Vice Mayor Joel Ebañez, at Kapitan ng Barangay Matutuna. Kasama rin ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) na sina Mary Ann Bautista at Jude F. Pavillar.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga miyembro ng SLPA sa suporta ng DSWD MIMAROPA para sa proyekto. Ang community store ay inaasahang magsisilbing pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ng barangay.
Discussion about this post