Sugatan ang isang rider sa Barangay Poblacion sa bayan ng Ferrol, Romblon matapos itong maaksidente pasado alas-9 kagabi, Sabado, October 19.
Ang rider ay kinilala ng mga barangay official ng Poblacion na si Chil Francis Gabilo.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ulat ni Kagawad Relly Gabilo, inararo di umano ng rider ang tatlong barrier na nasa tulay na nagsisilbing harang sa lubak-lubak na kalsada.
Agad naman siyang isinugod sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan para ipagamot.



































