Isang 19-anyos na dalaga ang nasawi sa bayan ng San Andres, Romblon kagabi, Oktubre 22, matapos maaksidente sa kahabaan ng national road sa Barangay Mabini.
Ang biktima, kasama ang pinsan nito, ay galing sa inuman at patungo sana sa Barangay Tan-Agan para makita ang boyfriend ng biktima nang sila ay maaksidente.
Ayon sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, nasalpok ng rider ang concrete box sa kalsada, na naging sanhi ng kanilang pagkahulog sa palayan. Nang bumangon ang angkas ng biktima, sinubukan niyang hanapin ang rider ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa kadiliman at masamang panahon.
Iniwan ng backride ang biktima upang humingi ng tulong sa mga kamag-anak nito. Pagbalik nila sa lugar, doon na nila natagpuan ang biktima.
Sinubukan pang isugod sa ospital ang dalaga, ngunit idineklara siyang dead on arrival. Nagtamo ng tama sa ulo at galos sa katawan ang rider, habang ang backride naman ay nagkaroon ng sugat sa paa.