Arestado sa pinagsamang puwersa ng Romblon Municipal Police Station at Police Provincial Drug Enforcement Unit ang isang tricycle driver sa Sitio San Andres, Barangay Capaclan, Romblon, Romblon kaninang umaga.
Ang tricycle driver, na edad 30, ay nahuli matapos magbenta umano ng ipinagbabawal na droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa halagang P3,000.
Nang magkaabutan, agad na inaresto ang suspek ng mga operatiba ng pulisya.
Tinatayang aabot sa 0.1 gramo ang bigat ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nakuha mula sa suspek.
Kasalukuyang nakakulong na ito sa Romblon Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post