Kasama ang mga bayan ng Corcuera at Ferrol sa mga nabigyan ng pondo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagsasaayos ng kanilang water system.
Ang bawat bayan ay nakatanggap ng P13.33 milyon para sa mga proyektong ito.
Noong Agosto 27, isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa water system project sa Corcuera habang sa susunod naman inaasahang sisimulan ang konstruksiyon sa bayan ng Ferrol.
Saklaw ng programa ang konstruksiyon, pagpapalawig, at rehabilitasyon ng Level III water supply systems, gayundin ang pagtatayo ng mga sanitary toilets at hygiene facilities sa mga pampublikong lugar.
Ang pondong ito ay mula sa Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB) Program na bahagi ng pambansang budget para sa 2024.
Discussion about this post