Sa halip na mahimbing sana ang tulog ng isang lalaki dahil sa kalasingan nito, nagising ito sa taga dahil ang terrace pala na kanyang tinuluyan ay hindi pala kanya.
Nangyari ang insidente sa Sitio Bariri sa Barangay Hinag-oman, Ferrol, Roblon nitong gabi ng April 15.
Ayon sa ulat ng Ferrol Municipal Police Station, sa sobrang kalasingan ay nakatulog ang biktimang si Wayne Apparicio, 37, sa terrae ng bahay ni Limuel Agoilo, 66.
Sa police report, nang makita umano ni Agoilo ang biktima sa terrace nito ay kumuha siya ng bolo at walang ano-ano ay tinaga sa ulo at kamay ang lalaking lasing.
Agad namang nakatakbo palabas ng terrace ang biktima at nakahingi ng tulong sa isang barangay kagawad.
Isinugod siya sa Rural Health Unit at kalaunan ay dinala sa Romblon Provincial Hospital para gamutin ang sugat nito.
Ang suspek naman ay naaresto ng mga tauhan ng Ferrol Municipal police Station. Nakakulong ito sa ngayon ay posibleng maharap sa kaukulang kaso.