Bibisita ng probinsya ng Romblon si Presidential Sister at Senator Imee Marcos sa bukas, March 16.
Magiging panauhing tagapagsalita si Marcos sa ika-123 Foundation at ika-79th Liberation Anniversary ng lalawigan na gaganapin sa bayan ng Romblon, Romblon.
Pangungunahan din ng senadora ang pamamahagi ng cash assistance para sa may 2,000 residente ng Romblon sa ilalim ng Assistance to Individuals In Crisis Situations program ng Department of Social Welfare and Development.
Si Senator Marcos din ang inaasahang mangunguna sa gaganapin inauguration ceremony para sa kauna-unahang dialysis center sa probinsya na matatagpuan sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan.
Ito na ang ikalawang pagbisita ni Marcos sa lalawigan mula 2019.