Nadagdagan na ang barkong naglalayag mula Oriental Mindoro patawid ng probinsya ng Romblon.
Ito ay matapos opisyal na maglayag na M/V Maria Ursula ng Montenegro Shipping Lines na may bagong ruta na papuntang Odiongan.
Maglalayag ito tuwing Martes at Biyernes mula Roxas, Oriental Mindoro papuntang Odiongan, Romblon tuwing alas-4 ng hapon; at maglalayag naman pabalik ng Mindoro ng alas-7 ng gabi.
Ang bagong ruta ng Montenegro Shipping Lines ay dagdag sa kasalukuyang schedule ng Starlite Ferries Inc. na bumabiyahe rin sa parehong ruta tuwing Miyerkules at Linggo, alas-11 ng umaga mula sa Roxas at alas-3 ng hapon mula sa Odiongan.