Sa bayan muli ng Looc, Romblon ginanap ang ika-17 Mimaropa Regional Public Employment Service Office (PESO) Congress, ang taunang pagtitipon ng mga PESO managers sa buong rehiyon na nagsimula ngayong Miyerkules, August 23.
Maalalang taong 2019 nang i-host rin ng bayan ang parehong aktibidad.
Sinalubong ni Mayor Lisette Arboleda ang mga kalahok kasama ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Usec Carmela Torres.
Ang programa ay naglalayong magkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na makapagplano patungkol sa kanilang mga operasyon bilang PESO managers. Magtatagal ang congress hanggang August 25.