Sisimulan nang itayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bayan ng Looc, Romblon ang isang multi-purpose building na tinawag rin nilang Mega Government Center.
Ang nasbaing gusali na nagkakahalaga ng P24.5 million ay itatayo sa Barangay Punta at inaasahang matatapos sa unang buwan sa susunod na taon.
Pinangunahan ni Congressman Eleandro Madrona at Looc Mayor Lisette Arboleda ang groundbreaking ceremony na isinagawa ngayong Biyernes.
Sa multi-purpose building na ito ilalagay ang opisina ng mga Civil Society Organizations (CSO), Municipal Library, Gym, Teen Recreational Center, at magsisilbing venue para sa iba’t ibang seminar ng gobyerno na isasagawa sa Looc.
Batay sa invitation to bid na inilabas ng DPWH Romblon District Engineering Office, may mga Mega Government Center rin na balak itayo sa mga bayan ng Alcantara, Magdiwang, at Cajidiocan.