Hinihinalang ninakaw ng ilang kalalakihan sa bayan ng san Andres, Romblon ang dalawang metal sheet pile mula sa ginagawag proyekto ng KPSL General Contractor.
Ayon sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, tumungo sa kanilang opisina ang kanilang safety officer para isumbong ang pagnanakaw sa mga metal sheet pile.
Sa pagresponde ng pulisya, nakita nila na isa ang nawala na at ang isa naman ay nahugot na sa pagkakabaot at nakahanda na para ibiyahe.
Tinatayang aabot sa tatlong (3) metro ang haba ng isang sheet pile at may market value na aabot sa P14,000 kad isa.
Sa follow-up operation ng San Andres Municipal Police Station, apat na lalaki ang kanilang pinaghihinalaang may gawa.
Nagsasagawa na sila ng in-depth investigation sa nangyari.